Sunday, December 26, 2010
Tuesday, December 7, 2010
Tuesday, September 14, 2010
ARAW NG MGA LOKAL NA BAYANI NG BAYAN
SANA ANG "ARAW NG MARAGONDON" AY GAWIN NA RING "ARAW NG MGA LOKAL NA BAYANI NG BAYAN" SAPAGKAT MARAMING TAGA-MARAGONDON ANG PUMALAOT SA LARANGAN NG DIGMAAN AT ANG ILAN SA KANILA AY NATANYAG PA SA MGA DAHON NG KASAYSAYAN. NAWA'Y DUMATING ANG ARAW NA ITO NA SA ISANG PROGRAMA, BAWAT ISANG KAANAK NG BAYANI AY MAKAPAGBIGAY NG MAIKLING TALAMBUHAY NG KABAYANIHAN NG KANILANG MGA LOLO. BIGYAN DIN NAMAN NATIN NG PARANGAL SINA KORONEL ESTEBAN RAMIREZ INFANTE, KORONEL CRISOSTOMO RIEL, DON VICENTE CUAPECO SOMOZA, KORONEL ANTERO CUAJUNCO REYES, KORONEL SULFICIO ANTONI, AT TINYENTE FIDEL NARVAEZ. ANG MGA ITO AY MAGITING NA UMANIB SA REBOLUSYON UPANG PALAYAIN ANG ATING INANG-BAYAN SA TANIKALA NG PANG-AALIPIN. HUWAG NATING BAYAAN NA ANG MGA BAYANING ITO AY MABAON SA LIMOT SAPAGKAT SILA ANG SANDIGAN NG ATING LOKAL NA KASAYSAYSAN.
ARAW NG MARAGONDON
Noong ika-7 ng Setyembre 2010, ipinagdiwang ng bayan ng Maragondon ang kanyang ika-283 taong pagkakatatag. Ito rin ang pagdiriwang para sa kaarawan ng mga bayaning sina Heneral Emiliano at Mariano Riego de Dios. Masaya itong ipinagdiwang ng taumbayan. Marami ang mga dumalo sa mahalagang okasyon na ito. Nandito ang mga guro, estudyante, empleyado ng pamahalaan, propesyunal, at mga karaniwang taga-Maragondon. Hindi mawawala sa okasyong ito ang mga miyembro ng angkan ng Riego de dios. Bagamat wala na ang mga nagmula sa angkan ni Heneral Emiliano sapagkat nanirahan na sa ibang bayan o bansa at wala na ring magmumula sa angkan ni Heneral Mariano sa kadahilanang namatay ang mga anak noong maliliit pa, dumalo naman at nakiisa sa pagdiriwang ang mga angkang nagmula kay Donya Felisa, Donya Felicisima, at Donya Filomena. Ang tatlong ito ang mga kapatid na babae ng dalawang magigiting na heneral. Naging mas maningning ang pagdiriwang sa pagdalo ng mga anak ni Koronel Vicente Riego de Dios, ang pangalawa sa pamosong magkakapatid na Riego de Dios ng rebolusyon. Ang pagdalo nina Lola Isabel R. Regal, Lola Iluminada R. de Guia, at Lola Aida R. Ballesteros, ay isang patunay ng kabayanihan ng kanilang amang si Koronel Vicente. Nawa'y sa mga susunod pang pagdiriwang, sila ay makadalo pa at sana sa mga susunod pang panahon, ang pagdiriwang na katulad nito, ay hindi lamang maialay kina Heneral Emiliano at Heneral Mariano kundi maialay din kay Koronel Vicente. MABUHAY ANG ARAW NG MARAGONDON!!!
Thursday, August 26, 2010
TOTOO NGA KAYA?
Maraming kuwento na nagpasalin-salin tungkol sa mga mito o alamat na kaugnay sa bayan ng Maragondon. Ngunit wala namang matibay na batayan tungkol sa pinagmula nito. Gayunpaman, masarap ding pakinggan ang mga kuwentong tulad nito>>>
1. Mayroon daw TORONG GINTO sa ilalim ng pinagtayuan ng Simbahang Katoliko malamit doon sa may altar.
2. Ang kampana daw noon ay nakakapagpaanak ng mga buntis dahil sa lakas ng tunog.
3. Ang gumagawa daw ng Simbahang Katoliko kapag gabi ay mga duwende sapagkat nakakarinig daw ang mga residente ng mga nagpupukpok na parang may nagtatrabaho sa paggawa ng simbahan.
Ilan lamang ito sa mga kuwento mula sa matatanda. Totoo man o hindi, bahagi na rin ito ng kasaysayan ng aking bayan.

Friday, August 6, 2010
Thursday, August 5, 2010
MAHIWAGA NGA BA?
May misteryo nga kaya sa Batong Tulay ng Morallon sa Barangay Balayungan? May natatago nga kayang lihim sa ilog na malapit dito?
ABANGAN!
ABANGAN!
Saturday, July 31, 2010
MARAGONDON "PICO DE LORO" JAYCEES CHAPTER PRESIDENTS
1987-1998--------------------- Willie R. Requiestas (Charter President)
1989 -------------------------- Ricardo R. Ilagan
1990--------------------------- Ruel L. Ditan
1991--------------------------- Rustico Juan L. Narvaez
1992--------------------------- Percival D. Angue
1993--------------------------- Edward Joy S. Aniversario
1994--------------------------- Junmar R. Angon (+)
1995--------------------------- Ramon Edrick C. Hilario
1996--------------------------- Ronaldo A. Mendoza
1997--------------------------- Rhonnel D. Soberano
1998-1999--------------------- Riza Diones-Soberano
2001-2002-------------------- Percival D. Angue
2003-------------------------- Rhina Hilario-Angue
2004-------------------------- Laime C. Lachico
2005-------------------------- Angelito Angeles

GREAT SONS OF MAGTAGUMPAY
Ang aking kauna-unahang aklat na Great Sons of Magtagumpay ay malapit nang ilabas ng Cavite Studies Center ng de la Salle University, Dasmarinas. Ang aklat na ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga dakilang anak ng Maragondon. Ang mga nakatala rito ay batay sa mga naunang aklat pangkasaysayan, mga gunita, mga pang-alaalang aklat, mga tala sa simbahan at munisipyo, at higit sa lahat, ang kuwento ng mga kaanak na napatunayang totoo sapagkat sila o ang kanilang mga magulang o mga lolo't lola ang mga saksi sa kabayanihang ipinakita ng mga magigiting na mga rebolusyunaryo ng aking bayan. Sana ang lalabas na aklat na ito ay malaki ang maitulong upang ang mga tagong kasaysayan ng aking bayang sinilangan ay maungkat mula sa mga lumang baul at magsilbing aral para sa hinaharap.
MABUHAY ANG MGA LOKAL NA KASAYSAYAN NG BAWAT BAYAN!!!
Sunday, July 25, 2010
MAKASAYSAYANG POOK SA BAYAN NG MAGTAGUMPAY
1. Bonifacio Trial House
2. Riego de Dios Ancestral House
3. Don Vicente Somoza Ancestral house
4. Bonifacio Shrine & Eco-Tourism Park
5. Parroquia de Nuestra Senora de la Asuncion
6. Iglesia Filipina Independiente
7. Kol Vicente Riego de Dios House
8. Punzalan Ancestral House
9. Dolorfino Ancestral House
10. Bahay Biangge
11. Mayor Bonifacio Gancayco House
12. Maragondon Central School
13. Maragondon Municipal Hall
14. Catholic & Aglipayan Cemeteries
15. Mt. Buntis, Mt. Hulog, Mt. Tala, Mt. Nagpatong
16. El Fraile & Carabao Island
17. Bucal Ambush Site
18. Mabacao Bridge
.... and many more.........
HALINA AT PASYALAN ANG MAKASAYSAYANG BAYANG AKING TINUBUAN!!!!

MGA MAGIGITING NA BAYANI NG AKING BAYAN
1. Hen. Emiliano Riego de Dios y Loyola - rebolusyonaryo
2. Kor. Vicente Riego de Dios y Loyola - rebolusyonaryo
3. Hen. Mariano Riego de Dios y Loyola - rebolusyonaryo
3. Kol. Antero Reyes y Cuajunco - rebolusyonaryo
4. Kol. Esteban Infante y Ramirez - rebolusyunaryo
5. Kol. Crisostomo Riel y Rillo - rebolusyonaryo
6. Don Vicente Somoza y Cuapeco - delegado sa Kongreso sa Malolos
7. Kol Sulficio Antony y Punongbayan - rebolusyonaryo
8. Tinyente Fidel Narvaez y Angeles - rebolusyonaryo
9. Kap. Joaquin Angeles - rebolusyonaryo
10. Kap. Agustin Rillo - rebolusyonaryo
marami pang iba.............................................!!!!
NAGPAPAKITA ITO NA ANG MGA TAGA-MARAGONDON AY MAGITING NA PUMALAOT SA LARANGAN NG DIGMAAN. HANGGANG SA PANAHON NG HAPON, IPINAGTANGGOL NG MGA GERILYA ANG MARAGONDON. MABUHAY ANG MGA BAYANING ITO NA NAGBUWIS NG BUHAY PARA SA KALAYAAN NG INANG-BAYAN!!
MABUHAY ANG MGA TAGA-MARAGONDON!!

Thursday, July 15, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)