Thursday, August 26, 2010

TOTOO NGA KAYA?

Maraming kuwento na nagpasalin-salin tungkol sa mga mito o alamat na kaugnay sa bayan ng Maragondon. Ngunit wala namang matibay na batayan tungkol sa pinagmula nito. Gayunpaman, masarap ding pakinggan ang mga kuwentong tulad nito>>>

1. Mayroon daw TORONG GINTO sa ilalim ng pinagtayuan ng Simbahang Katoliko malamit doon sa may altar.

2. Ang kampana daw noon ay nakakapagpaanak ng mga buntis dahil sa lakas ng tunog.

3. Ang gumagawa daw ng Simbahang Katoliko kapag gabi ay mga duwende sapagkat nakakarinig daw ang mga residente ng mga nagpupukpok na parang may nagtatrabaho sa paggawa ng simbahan.

Ilan lamang ito sa mga kuwento mula sa matatanda. Totoo man o hindi, bahagi na rin ito ng kasaysayan ng aking bayan.

1 comment:

  1. hahaha,, tagal ko na narinig yan, pls include yung may sirena pa daw sa ilalim ng simbahan.

    ReplyDelete