SANA ANG "ARAW NG MARAGONDON" AY GAWIN NA RING "ARAW NG MGA LOKAL NA BAYANI NG BAYAN" SAPAGKAT MARAMING TAGA-MARAGONDON ANG PUMALAOT SA LARANGAN NG DIGMAAN AT ANG ILAN SA KANILA AY NATANYAG PA SA MGA DAHON NG KASAYSAYAN. NAWA'Y DUMATING ANG ARAW NA ITO NA SA ISANG PROGRAMA, BAWAT ISANG KAANAK NG BAYANI AY MAKAPAGBIGAY NG MAIKLING TALAMBUHAY NG KABAYANIHAN NG KANILANG MGA LOLO. BIGYAN DIN NAMAN NATIN NG PARANGAL SINA KORONEL ESTEBAN RAMIREZ INFANTE, KORONEL CRISOSTOMO RIEL, DON VICENTE CUAPECO SOMOZA, KORONEL ANTERO CUAJUNCO REYES, KORONEL SULFICIO ANTONI, AT TINYENTE FIDEL NARVAEZ. ANG MGA ITO AY MAGITING NA UMANIB SA REBOLUSYON UPANG PALAYAIN ANG ATING INANG-BAYAN SA TANIKALA NG PANG-AALIPIN. HUWAG NATING BAYAAN NA ANG MGA BAYANING ITO AY MABAON SA LIMOT SAPAGKAT SILA ANG SANDIGAN NG ATING LOKAL NA KASAYSAYSAN.
Tuesday, September 14, 2010
ARAW NG MARAGONDON
Noong ika-7 ng Setyembre 2010, ipinagdiwang ng bayan ng Maragondon ang kanyang ika-283 taong pagkakatatag. Ito rin ang pagdiriwang para sa kaarawan ng mga bayaning sina Heneral Emiliano at Mariano Riego de Dios. Masaya itong ipinagdiwang ng taumbayan. Marami ang mga dumalo sa mahalagang okasyon na ito. Nandito ang mga guro, estudyante, empleyado ng pamahalaan, propesyunal, at mga karaniwang taga-Maragondon. Hindi mawawala sa okasyong ito ang mga miyembro ng angkan ng Riego de dios. Bagamat wala na ang mga nagmula sa angkan ni Heneral Emiliano sapagkat nanirahan na sa ibang bayan o bansa at wala na ring magmumula sa angkan ni Heneral Mariano sa kadahilanang namatay ang mga anak noong maliliit pa, dumalo naman at nakiisa sa pagdiriwang ang mga angkang nagmula kay Donya Felisa, Donya Felicisima, at Donya Filomena. Ang tatlong ito ang mga kapatid na babae ng dalawang magigiting na heneral. Naging mas maningning ang pagdiriwang sa pagdalo ng mga anak ni Koronel Vicente Riego de Dios, ang pangalawa sa pamosong magkakapatid na Riego de Dios ng rebolusyon. Ang pagdalo nina Lola Isabel R. Regal, Lola Iluminada R. de Guia, at Lola Aida R. Ballesteros, ay isang patunay ng kabayanihan ng kanilang amang si Koronel Vicente. Nawa'y sa mga susunod pang pagdiriwang, sila ay makadalo pa at sana sa mga susunod pang panahon, ang pagdiriwang na katulad nito, ay hindi lamang maialay kina Heneral Emiliano at Heneral Mariano kundi maialay din kay Koronel Vicente. MABUHAY ANG ARAW NG MARAGONDON!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)